BookMooch logo
 
home browse about join login
Lualhati Bautista : Desaparesidos
?



Author: Lualhati Bautista
Title: Desaparesidos
Moochable copies: No copies available
Topics:
>
Published in: Philippines
Binding: Paperback
Pages: 226
Date: 2009-1
ISBN: 9789711902285
Publisher:
Previous givers: 1 swissmiss09 (Philippines)
Previous moochers: 1 Joel G (Philippines)
Description: Ang estilo sa paggamit ng wika ng Desparesidos ay hindi nalalayo sa estilong Taglish ng Dekada ’70 kaya’t magaang basahin ng kontemporaryong mambabasa, lalo ng mga mambabasang kabilang sa gitnang uri. Kontrobersiyal na aspekto ito ng sining ng pagsusulat ni Bautista. Noong pinag-usapan ng hurado para sa Palanca Award sa nobela noong 1982-23, nagbantulot ang yumaong manunulat na si Liwayway Arceo na gawaran ang Dekada ’70 ng Unang Gantimpala, dahil ang wika ng nobela ay “kulang sa kinis” bunga ng paghahalo nito ng Ingles at Tagalog. Subalit nanaig pa rin ang desisyon naming naniniwala na mas matimbang sa usapin ng estilo ang kabuluhan ng nilalaman ng nobela. Gayon pa rin ang masasabi tungkol sa gamit sa wika ng Desaparesidos. Sensitibong humawak ng Tagalog si Bautista gaya ng pinatutunayan ng mga bahaging tulad ng nasa ibaba: Nagpakasal sila, silang dalawang tao na ang buhay ay pinabigat
ng mga kamatayan at pagkawala, dalawang anak ng kanilang
panahon na magkasukob sa malagim na mga pahina ng
kasaysayan.
Ang “magaspang” na wika ni Bautista ay hindi kapintasan sa isang awtor na nakasusulat ng ganyang pangungusap. May dahilan siya kapag lumilihis siya sa “pinong” pananagalog, dahilang gayumpaman ay maaaring pasubalian ng mga kritiko.

Ang tagumpay ni Bautista ay mahirap ihanap ng katapat sa mga akda ng mga kapanahon niya. Damang-dama ang antak ng kanyang karanasang pinapaksa sa mabagsik na prosang humihiwa sa gunita ng mambabasa at iniiwang gulilat ang ating mga pandama. Nakapanlulumo ang paglalarawan niya sa tortyur ng mga kasamang nahuli at pinatutuga ng militar. Sina Anna at Roy ay hindi lamang dinahas kundi lubhang sinalaula ng pagpapahirap na dinanas nila sa kamay ng mga sundalo. Litaw na litaw ito sa tagpo nang nagtatalik ang dalawa at ang ligaya na dapat ibunga ng pagsasanib ng kanilang katawan ay inuunsiyami ng mga gunita ng kababuyang pinagdaanan nila sa kamay ng humuli sa kanila. Sa pagsasalaysay ni Bautista sa paggigiit ni Anna sa kanyang walang-humpay na paghahanap, sa pagharap ng mga tauhan sa mga kontradiksiyong nakalikaw sa kanilang relasyon sa isa’t isa, at sa pag-arok nina Anna, Roy, Karla at Jinky sa kanya-kanyang dahilan sa pananatili at sa pagkalas sa kilusan, pinatunayan ng awtor ang kanyang malalim na pagsapol sa sikolohiya ng mga taong dumaranas ng kagipitang pisikal at espiritwal. Kung paghahambingin ang timbang ng dating ng Desaparesidos at ng Dekada ’70, di-hamak na mabigat at matindi ang bagong nobela na nagpapakilala sa atin ng manunulat na pagkaraan ng 20 taon ay tunay nang “taga sa panahon.”
URL: http://bookmooch.com/9789711902285

WISHLIST ADD >

SAVE FOR LATER >

OTHER WEB SITES >

RELATED EDITIONS >

RECOMMEND >

REFRESH DATA >